Epekto ng Pagiging In Love


Aloha! naughty readers welcome to another edition of pilyong husband, at sa araw na ito tatalakayin natin ang mga magandang epekto ng pagiging in lab. Marahil naranasan na ito ng karamihan at meron simtomas ito tulad ng wala gana kumain, para bang sira tiyan mo, o kaya naman tinutuboan ng pimples.

Ang pagiging in love ay meron mga physical at emotional changes sa tao na hindi natin namamalayan. Kaya nandito si Uncle Pilyo para e share ang mga ito.

Epekto ng Pagiging In LoveHindi ka makatinging sa crush mo

Ito ang isa sa pinaka unang simtomas ng pagiging inlababo. Hindi mo matingnan crush mo, kung susubukan mo naman e eye to eye parang nahihiya ka, nag blublush ka pa. Ayon sa mga expert, hindi mo daw madadaya ang mga mata kung may gusto kang tao. Ang mga pupil mo kasi para nag iiba na parang tuwang tuwa kapag tinitingnan mo ang iyong sinisinta.

Kabog ng damdamin

Nag apply kana ba ng trabaho at nainterview? Kung oo man siguro may nararamdaman ka sa iyong dibdib na parang kaba na di mo maexplain. Ang ganyang stress sa ating katawan ay tulad din ng pagiging in love kabado ka kapag nandyan si "dream partner".

Nakakapag pabata

Ang mga in love ay blooming at masayahin kaya naman bumabata sila. Factor din nito ang regular na sex at torrid kissing. Ayon sa mga dalubhasa ang tao na nakikipag gerra kama apat na beses sa isang linggo ay mas babata tingnan at ang regular na kissing scene kay partner ay nakapapa bata lalo na sa mga babae, kasi ang saliva ng lalaki ay may content ng testosterone na importante para ganahan si babae sa sex, aphrodisiac din ito.

Ayon sa pag aaral ng "English Longitudinal Study of Ageing" mas importante daw para sa kababaihan ang pagiging in a relationship o in love kaysa sa mga lalaki. Kasi nakakamit nila ang kanilang mga pangangailangan sa kanilang partner, unlike sa lalake, ok lang sa kanila ang walang girlfriend kahit sa mahabang panahon.

Nakapag papaganda ng pag iisip at pangangatawan

Ang love ay makapang yarihan dahil kung inspired ka halos lahat ng bagay kaya gawin mo. Maliban sa pagiging inspired mo, nakakatulong din ang love para mapalayo ka sa mga suicide attempts at depression.

Hindi lang psychology ang epekto nito, maganda rin sa puso ang pag ibig. Ayon sa University of Rochester sa New York ang mga taong in love ay tatlong beses mas malaki ang chance mag survive sa isang heart surgery kaysa sa wala. Isa pang benefits ay ang pag babago ng lifestyle, ang mga lalaking mahal na mahal ng kanilang girlfriend ay mas malaki ang tsansa na mag quit sa paninigarilyo at pag inum ng sobra.

1 comment: