Tandang tanda ko pa noong highschool pa ako super athletic ako, hindi ako madali mapagod at syempre payat. Medyo natoto na mag bisyo pero at least nakakabawi ang katawan sa active na lifestyle.
Pero simula ng umabot sa bente ang edad ko, napapansin ko pabagal ako ng pabagal, at ang appetite ang domoble kaysa noong bata pa ako. Ang lakas ko na kumain at sobrang tamad mag exercise, ayon tuloy na deform ang shape ko. Hindi ko namamalayan overweight na pala ako! OMG!
Hindi naman ako sobrang taba, may bilbil lang talaga. Ang mga ganitong pangyayari ay normal sa mga taong malapit na mag 30. Kapag nasa mid 20's kana ay dapat mo na umpisahan ang pag aalaga sa sarili at medyo bawasan ang bisyo.
Tingnan niyo si Arnold mukha ng lantang talong. Kahit gaano kaganda katawan niya noon hindi niya pa rin mapipigilan ang pagtanda.
Bakit tayo tumataba habang nag kakaedad
Ang pinaka factor sa ating pag taba ay dahil sa metabolism. Habang tumatagal humihina ito na hindi na tulad ng bata pa tayo. Besides loosing metabolism, nababawasan din ang ating mga muscles, ang tawag doon ay Sarcopenia.
Factor din ng pag taba ang change of lifestyle, hormonal changes, poor nutritional choices at higit sa lahat decreased physical activity. Sa mga edad na din ito usually may trabaho tayo at karamihan ng trabaho ay nasa opisina, kaya naman wala na oras sa pag eexercise.
Ang pagiging in control sa pera ay pwede rin sanhi ng pag taba. Dahil kasi gurang kana at may kapas bumili ng kung ano, bibilhin mo ang mga hindi mo nabibili noong bata kapa, tulad ng Beer, matatabang pag kain, at yosi.
Ang genes din ng tao ay nakaka epekto rin sa pag laki natin habang tumatanda. May kilala kasi ako, na kahit anong diet niya at exercise, bumabalik pa rin ang kanyang malaking bilbil
Ayon din sa isang pagsasaliksik ang toxin ay possible rin makapag pataba sa atin kapag tayo ay matanda na. Dahil kasi matagal na tayo nabubuhay, ang toxins sa katawan ay dumadami rin. Kung gusto mo sila mabawasan, ipag patuloy lang ang pag exercise at pag kain ng tama, sa ganun na paraan hindi ka tataba at magiging young looking ka pa.

humihina kasi ang metabolismo tama nga yun... salamta dito
ReplyDeleteOo ang hirap talaga mag pa maintain ng katawan
Delete