10 Paraan Para Ganahan Ka Mag Exercise


10 Paraan Para Ganahan Ka Mag ExercisePhysical physical! Oh ha! welcome mga pilyo kong mambabasa sa healthy yet naughty na blog ang... *clap *clap *clap PILYONG HUSBAND!!! ngayong araw na ito e share ko ang mga tips para ganahan ka tumakbo at mag exercise! Alam naman nating lahat na mahirap itong gawin lalo na kung busy ka at mataas ang iyong timbang at sa tips ko malay mo ganahan ka, oh ha!

Ang daming paraan pam papayat pero ang pinaka epektibo talaga sa lahat ay ang mag exercise. Sa mga tips ko sana tumayo ka na sa kinahihigaan mo at tumakbo ka na parang Kabayo at mag papawis kasi dumadami na ang bilang ng mga taong may bilbil. Huwag hintayin ang araw na sa laki ng iyong tambayan hindi mo na makita si junior.

1. Mag laan ng oras sa pag eexercise

Ito dapat ang unahin mo sa lahat. Planohin mo kung kailan mo gusto mag exercise, siguraduhin lang na tapos na lahat ng gawain mo tulad ng pagdodota o pag huhugas ng pinggan. Gaya ng mga appointments at meeting ang oras na nakalaan sa pag papapawis ay dapat seryosohin, kahit ikaw lang ang nag sked nito dapat on time ka pa rin para matuto ka ng disiplina sa sarili.

2. Dapat nag eenjoy ka

Ang pag eenjoy ay importante din, dahil dito hindi mo namamalayan na boring ang pag eehersisyo. Gawin mo ito ng may kasama o kaya doon ka mag exercise sa Gym kung saan marami ang chix at machong boylet. Mag dala ka rin ng MP3 player at mag patugtug habang nag papapawis para naman ganahan ka.

3. Imaginin mo kung ano itsura mo pag payat ka

Sa totoo lang ginagawa ko ito, pag pumayat ako siguro kamukha ko si Johnny Depp, hehehe, Joke. Marahil korny ang tip na ito, pero mga dude at dudette mamomotivate ka pag inimagine mo kung ano itsura mo pag payat ka. At dahil nakita mo na sarili mo na sexy, gaganahan ka pa mag exercise.

4. Magazine

Ahem! hindi bold ha! iyong mga pa kime na mags lang tulad ng Maxim o kaya FHM. Kung papansinin ninyo ang sesexy ng mga model doon, marahil para sa iba nakaka down sa sarili kasi hindi ganun katawan mo. Pero be positive! kung nagawa nila mag patubo ng abs kaya mo rin iyan. Gawin inspirasyon ang mga models na nasa magazine at tiyak mamomotivate ka mag lose ng weight.

5. Mag suot ng fitting na damit

Paano mo malalaman kung pumayat ka na nga? eh di mag suot ng fitting na damit at tingnan ang sarili sa salamin. Kung nanalaming ka at nakita mo si John Lloyd, ayos! tumalab! malapit ka na maging Piolo, hehehe. Sa kasusuot mo ng fit na damit mapapansin ka ng iyong mga barkada na pumayat ka.

6. Before and after pictures

Kapag ikaw ay nasa misyon ng pag papapayat dapat kunan mo ang sarili mong litrato para may ebedensya ka ng pag lose ng weight. At kung umabot ka sa araw na sexy kana tingnan mo ang iyong litrato na chubby I am sure madadagdagan ka ng self confidence.

7. Coach at trainer

Kung ikaw ay may budget maimumungkahi ko ang pag hire ng gym instructor. Dahil dito sigurado ka talagang papayat kasi ang trabaho nila ay hindi lang pag tuturo ng tamang exercise, nakakatulong din sila sa pag motivate sa sarili mo. Pumili ng strictong gym instructor para mas mabilis ang resulta.

8. Mag set ng goal

Ano bang timbang ang hinahabol mo? dapat alam mo iyan. Gumawa ka rin ng time table kung saan sa araw na ito dapat ganito na itsura mo. Ang pag gawa ng goal ay makakatulong para maipatuloy ang iyong nasimulan.

9. Magbasa ng mga blogs tungkol sa kalusugan

Meron mga tao sa internet na tinitrace ang kanilang pag payat gamit ang blog. Mag hanap ka ng tulad nila at kaibiganin mo. Sila ay makakatulong para ma motivate ka mag lose ng weight. O kung gusto mo, gayahin mo trip nila, mag blog ka rin tungkol sa misyon mo nag magpapayat I am sure marami ang mag babasa ng iyong artikulo.

10. Mag beach

Ipakita ang iyong pinaghirapan sa madlang people sa pamamagitang ng pag bebeach. Isuot ang iyong beach attire na matagal mo ng gusto suotin at rumampa ng bonggang bonga.

Final Note

Ito ang sampu na para sa akin ay nakakatulong mag motivate para na ikaw ay mag papayat. Of course hindi madali gawin ito dahil karaniwan ng tao ay wala talaga oras mag exercise. Pero kung pursigido ka na maging healthy magagawa mo ito, sundin lang talaga ang schedule mo ng pag eehersisyo.

No comments:

Post a Comment