Ano ang masamang maidudulot ng sobrang Porno


Ang Porno ay lantaran na ngayon, lalo na at may internet mas naging madali ang pag access nito. Ang topic na ito ay tungkol sa sobrang panonood ng milagro sa DVD, o sa internet. At sana naman mabawasan na ang pag mamariang palad ni totoy.

Noong panahon ng ating mga kaapoy apoyan, ang access sa mga sexing larawan ay mahirap, makakita ka lang ng hita ng babae, bastos na daw. Sa panahon ngayon, ibang iba na. Siguro kong si Lolo marunong lang mag internet, baka porno agad e search niyan, kasi wala niyan sa panahon nila.


Mga Kapilyo ko, nag research ako tungkol sa sobrang panonood ni boy at girl ng porno at ehto nahanap ko.

Ang Sobrang panonod ng Porno ay nakakasira ng relasyong mag asawa o mag kasintahan


Ayon sa isang survey ng BBC sa UK, sa 1057 na teenager na lalake at babae may edad 18- 24, ang mga lalake daw mahilig manood ng porno sa internet ng 2 hours sa isang linggo at ang babae naman 15 minutes lang. Ang panonood daw nito ay mas gawain ng mga boys kaysa sa girls. Ang research na ito ay ginawa lang ng nakaraang taon noong March ng 2011.

Naobserbahan din na 1 sa 3 na lalake ay nag sabi na nakakasira daw ito sa relasyon ng kanyang partner. At mas lumaki pa ito sa 7 out of 10 na lalake na nanood ng porno 10 hours a week. Ang iba ay hindi naiitatala daw kasi nag tatago sa panonood. Ang masaklap pa nito, ang mahilig manood ng porno ay nawawalan na ng gana maki pag labing labing sa kanyang partner.

Ang mga porno boy din daw ay nagiging kulelat sa kanilang opisina, parati daw namimiss ang deadline ng kanilang trabaho. Late at hirap tapusin ang trabaho sa takdang panahon. Pag na sobrahan ka na daw sa porno, tinatamad kana pumasok sa Opisina.


Ang mga nasosobrahan din ay naoobsess sa panonood at ginagawa na nila itong daily routine o parte ng kanilang buhay sa araw araw. Ang mga taong ito ay alam na nakakalimutan na nila ang mga mas importanteng bagay pero nahihirapan sila mag bago. Dahilan din ito para makipag hiwalay ang kanyang partner, kasi wala ng oras makipag romansa si partner, at baka na tutuyo na ang rosas ni amor.


Isa ding bad effect nito ay nawawalan na sila ng enjoyment sa buhay, hindi na mahilig lumabas, mag exercise o kaya kahit piknik man lamang. Ang mahilig manood ng porno ay ginagaya rin daw sa kanilang partner ang ginagawa ng mga pornstar, at kung hindi sumang ayon si partner, tatawagin daw itong walang kwentang gf/bf.



Ang graph na ito ay ipapakita kung saan mahilig manood ang tao ng porno
Sex Graph

Kung gusto niyo isalba relasyon niyo sa partner niyo, huwag masyado manood ng porno, ito ay nakakasira sa relasyong mag asawa at higit sa lahat nawawalan ka na ng gana makipag war games kay misis. 




2 comments: