Paano Malalaman Kung Boyfriend mo ay Chickboy


Paano Malalaman Kung Boyfriend mo ay ChickboyIsang magandang araw na naman mga pilyong readers, at ngayon open topic naman tayo tungkol naman ito sa mga lalakeng hindi makuntento sa isa.

Alam ko na maraming kababaihan ang namromroblema sa mga lalakeng paulit ulit na namamangka sa dalawang ilog. Ang mga tips na ito ay hango sa mga katangian ng mga lalakeng mahilig sa maraming karelasyon.

Dapat ito ninyo malaman dahil ayon sa isang survey 60% ng mga may asawang kalalakihan ay nag karoon ng kabit.

Also read:
Bakit nagchecheat parin ang mga lalake sa magagandang babae?

Para maprotektahan kayong mga chikaz ito ang mga tips para mahalata mo na siya ay isang chickboy.

1. Nagawa na niya noon pa.

Kung ikaw ay may boylet kilatisin mabuti kung nag karoon na siya ng karelasyon ng sabay sabay noon. Magtanong ka sa mga kaibigan kung meron ba siya mga playboy moves. Marahil hindi sila mag sasalita tungkol doon, do your own homework na lang. Hindi man ito maganda pero minsan mag spy ka sa kanya o kaya mag talaga ng isang trusted friend na titingin sa kanyang mga kilos.

2. Hindi marunong makunsensya

Pansinin mo kapag meron siya ginagawang karantaduhan, at kung hindi siya nakukunsensya o mag sorry man lang, marahil ganoon din siya sa isang relasyon. Ang mga ganyan ay wala pakialam sa nararamdaman ng kababaihan at willing sila mambabae hanggat gusto nila, kasi nga makapal mukha nila.

3. Sobrang overtime

Sa totoo lang ang mga lalake may katamaran iyan, hindi sila ang tipo na magtratrabaho kung walang kapalit, pero kung stable na income niya at parati pa nag oovertime, mag duda ka na aking mare, marahil may overtime siya sa babae niya. Kung galing siya sa overtime, yayain mo makipag loving loving, marahil sasabihin niya na pagud siya. Pero kapag paulit ulit na lang na rason iyan marahil inubos na niya lakas niya sa kanyang overtime partner.

Also read:
Rason kung bakit ayaw na sumiping ni mister kay misis

4. Magaling magsinungaling

Kung magaling siya magsinungaling sa ibang mga bagay, siguro magaling din siya mag tago ng sekreto tungkol sa kabit niya. Sabi nila mambobola daw ang mga lalake, marahil totoo iyon, pero paraan lang ito para makakuha ng attention sa mga babae at hindi rin namin gusto na mag sinungaling dahil ang tunay na lalake handang harapin ang katotohanan at hindi liar. Kung siya ay talaga namang super sinungaling, dapat maalarma ka dahil ang mga ganyan ay magaling mag palusot at marahil meron siya madaming girlfriend.

5. Natutunan sa bahay

Parents are always our first teacher, at sa mata ng bata, lahat ng ginagawa ng magulang ay tama, pero kung nakikita niya ang pagiging babaero ng kanyang tatay marahil paglaki niya ganyan din siya. Minsan nagiging natural ang pagiging babaero kasi nakagisnan niya ito, namana sa magulang, uncle o kaya sa lolo.

6. Depressed

Kapag siya ay nalulungkot at hindi mo pinapansin mareng, chances ay mambabae siya. Sa point na ito kasi wala siyang makuha na emotional support mula sa iyo kaya mag hahanap siya ng babae na makakatanggal ng depression niya.

7. Hindi na gaya ng dati ang pakikisama niya sa iyo

Kapag nasa ligawan portion pa lang kayo, di ba halos araw araw kayo mag kita at hindi mapag hiwalay. At habang nag tatagal marahil nababawasan ang samahan ninyong dalawa dahil sa mga factor tulad ng trabaho, at pag tanda. Pero kahit ganoon pa man, kung mahal ka ni partner parati pa rin niya ipapadama sa iyo ang pag mamahal kahit hindi na kayo masyado romantic. Pansinin mo kung isang araw biglang naging suplado siya sa iyo at hindi na ganoon ka interesado sa iyo, marahil nakahanap na iyan ng iba.

8. Pansinin ang cellphone habits niya

Ang mga tunay na lalake ay hindi mahilig mag text at mag rereply lang kung papasahan ng load, hehehe. Pero totoo talaga, hindi kami addict sa text mas gusto pa namin mag games sa cellphone kaysa sa mag text. Kapag si lalake ay text ng text na parang ngumingisi at kinikilig ang expression, marahil katext niya si number 2. Kung ayaw niya ipabasa ang mga text na ito, mag duda ka. Isa ring sign ay kung parati denedelete niya ang inbox ng cellphone niya.

9. Amoy pambabae

Ang mga girls ay mas matalas ang pang amoy kaysa sa mga lalake kaya naman pwede mo itong gamiting advantage para mahuli si lalake kung meron ba talaga siya number 2. Ang mga lalake ay hindi mahilig mag pabango, kung mahilig man pang lalake type niya iyong medyo matapang. Pero kung ang amoy niya medyo pambabae sa pag uwi mula sa trabaho, dalawa lng ibig sabihin niyan, a.) Pabango iyan ng kabit niya, b.) Nagiging feminine na boylet mo.

10 Hindi na ganado makipag guerra romansa

Kung dati ay para siyang gutom na tigre sa karoromansa sa iyo at biglang tumamlay ang kanyang pag nanasa, mag duda ka na girl, marahil nakatikim iyan ng ibang putahe at mukhang hindi na interested sa iyo.

Final Thought

Sa mga chickboy diyan at nag babalak mangaliwa mag isip muna kayo, kasi ang mga babero moves ngayon ay madali na mahalata. Kung mahal niyo ang partner niyo huwag na maghanap pa ng iba, baka makarma ka pa.

6 comments: