Bakit Nagchecheat ang mga Lalake sa mga Magagandang Babae


Isang maganda araw mga romantiko at romantika, papalapit na ang valentines day and I am sure may mga plano ang mga love birds ngayong love month.

At hindi niyo naiitanong anniversary din ng blog na ito, grabe mag 1 year na pala ang pilyong husband hindi ko manlang namalayan.

Anyway, nandito tayo para sa isang bagong topic tungkol ito sa mga lalake na iniiwan parin ang magaganda nilang chika babes. Ito kasi napapansin ko, ang daming lalake nakakadale ng mala diyosang bebot pero hindi sila nag tatagal, ang resulta nangangaliwa na si lalake.

Para sa mga magagandang bebot diyan, take note niyo ito. Porke't maganda at sexy ka, hindi lahat ng lalake mag kakagusto sa inyo.

Ito ang mga rason kung bakit nag checheat pa rin si Lalake kahit sobrang pretty na partner niya.


Pangit ang ugali


Sa lahat ng factor, ito ang nagiging pinaka dahilan ng pang iiwan ni lalake. Dahil kasi sa kagandahan bulag tayo sa tunay na pag katao ng bebot, at habang nag tatagal ang pag sasama, nalalaman na natin ang tunay na ugali at kung pangit ito, well... minsan nag titiis pero kung sobra na mang iiwan na talaga.

Alam niyo ba ang lalake mahilig sa iba't ibang babae ito ay hindi dahil sa kagandahan or sex, believe me or not, nag hahanap ang lalake ng babae na tunay na mag mamahal dito at aalagaan siya.

Also read
Mga ayaw ng lalake sa ugali ng babae

Hindi magaling sa kama


Hindi lahat ng magaganda magaling sa romansa. Porke't masarap ka tingnan, masarap ka na din kainin. Girls, kung gusto niyo hindi na mag hanap ng iba si boylet, mag practice naman dyan. Ang daming relasyon ang nasisira dahil lang sa hindi makuntento sa sex. Aminin man natin o hindi, ang sex ay needs din ng tao at habang kaya pa natin iyon gawin mas gusto natin makuntento dito... oh ha!


Tsk tsk... walang ibang gaya gawin maliban sa pag papaganda


Ang mga hot babes ay talaga namang nakakapag pasaya sa mga men, at kapag nakakakita tayo ng katulad nila, halos mag agawan ang lahat ng kalalakihan maka score lang. Sa umpisa marahil, ang sarap nila kasama at parati tayo inspired. Pero pag umaabot ang times na seryoso na dapat sa buhay, hindi na natin sila maasahan.

Ang daming babae sa henerasyon ngayon ang hindi manlang marunong maglaba at magluto. Hindi naman lahat pero sa dami ng bebot na nameet ko, lahat sila pansin ko hindi nag lalaba at marunong mag luto which is a turn off para sa ibang lalake kung nag hahanap ka ng stable na partner.

Ayon sa eksperto ang babae na hindi marunong ng gawaing bahay before the age of 25 ay mahihirapan mag hanap ng lifeteime partner. Marahil kaya mo siyang paligayahin sa ibang bagay, pero ang mga lalake pag aaruga talaga ang hanap sa mga girls, kahit maliit na bagay lang ito, importante pa rin.


Ang tanga naman ng mga lalakeng iniiwan ang mala hot babes nilang girlfriend. Akala ko ba kagandahan ang hanap ng mga lalake sa mga babae?


Iyon din ang akala ko noon, pero once you grow mature secondary na lang ang beauty sa mga factor ng pag hahanap ng partner or third.

Ang mga magagandang babae kasi kulang sa mga maliliit na bagay, tulad ng pag aayos manlang sa magulong kwarto or e massage si boylet sa ulo para manlang marelax ng kunti. Ang mga chix kasi sanay silang binibaby at pinag sasabihang "ang ganda mo naman" kung meron sila gusto gawin, ibang tao na gagawa para sa kanya kasi nga "maganda ka" at hindi daw bagay sa maganda ang nahihirapan. Habang nag tatagal nakakasanayan nila ito at sa bandang huli nagiging tamad na.

Ayon sa eksperto ang mga hot chika babes ay malaki ang chances maging lonely. Kasi nga kung mag karoon man sila ng BF mahal lang sila nito dahil sa itsura niya, at papalit palit ito ng karelasyon hanggang sa umabot na hindi na siya kagandahan at wala na mag kakainteres sa kanya. Mahahalata ninyo ang mga tulad nila kapag, masyadong mahilig mag alaga ng hayop tulad ng pusa at aso.

Ang mga lalake sa totoo lang predictable, at hindi mahirap paligayahin. Kayong mga girls alam niyo naman siguro kung ano ang mga bagay na nakapag papaligaya sa lalake.

Si Halle Berry, sikat, maganda, mayaman, lahat nasa kanya pero ayon sa kanya insecure daw siya, kasi kahit nasa kanya na lahat ng kagandahan at kaseksihan alam niya na ang kanyang "man of her dreams" ay mamahalin lang siya dahil sa itsura at kasikatan nito.

Kaya pala ang mga hollywood stars kahit ang gaganda na, iniiwan parin.


Hindi naman lahat ng mga kagandahan ay katulad ng na memention. Meron din naman pretty bebot na complete package, sila iyong mga successful sa marriage at kung isa ka na doon, maganda ka nga sa loob at labas. Mga tulad niyo ang hanap ng mga boys ang mga pretty, responsible and caring.



Oh ha! sana nagustuhan ninyo... ano sa tingin ninyo, may kulang ba?


5 comments:

  1. nka-relate nman aq don..
    well, thanks for this information anyway, laki ng naitulong skin:-)

    ReplyDelete
  2. May topic po ba tungkol sa bakit minsan nawawala na ang respeto at pag mamahal ng lalaki sa babae dahil sex na lang ang hanap nya dito :(

    ReplyDelete
  3. Gusto mo ba ng online work?
    Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
    Email me: tirade_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
    Contact Number: 09465046302
    For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

    ReplyDelete
  4. In the World of Womanhood and Manhood, influence more natural, most women are beautiful, but not discovered themselves, as happens with many of the men in today's world there are many diseases for resorting to food Fast Foods and artificial cosmetic, besides having an altered life full of stress and bad organization, but more importantly I think the cure of many diseases is in the nature, I invite you to visit: www.gslnatural.com

    ReplyDelete