Mga bagay na ayaw ng Lalake sa mga partner na Babae



Ang mga boys ay talaga naman gusto ang mga babae, at gagawin ang lahat makuha lang ang matamis na OO. Sa panahon ngayon ang mga babae ay halos pumapantay na daw sa mga lalake, tulad sa propesyon o kaya career. Pero kahit moderno na ang panahon, aminin natin, kailangan talaga ng babae ang mga lalake. At kapag kayo ay nag sasama na, hindi maiwasan ang hindi pag kakaunawaan.

Kung meron man bagay na ayaw ang mga babae sa lalake, meron din ayaw ang mga lalake sa mga babae:

1. Sinisigawan si Lalake. Kapag nandoon ka sa trabaho at bigla nag ring ang phone mo, kinansel mo, at nag ring naman, tiningnan mo GF mo pala tumatawag at sa kakukulit sinagot mo naman. Nung kinausap mo na biglang sumigaw, at gusto gawin kang shaperon kasi mag shoshoping daw. Nung tinanggihan mo, minura ka sabi baka nambabae ka, at narinig ng mga katrabaho mo tinawanan ka, syempre hiyang hiya ka. Ang ganyang eksena ay talagang nakaka inis, para sa mga lalake nakakahiya ang ganoong pangyayari.

2. Magastos at walang katapusang pag shoshoping. Ang mga babae talaga mahilig mag shopping, bumili ng shoes, latest na phone at kung ano ano pang mga uso. Ang lalake naman, murang jeans o kaya t shirt OK na. Natural kasi sa lalake ang kuripot pero ang babae naman mahilig sa uso kung wala siya nito nag aalburoto.

Hindi naman lahat ganun, meron din mga babaeng marunong humawak ng pera. Pero yung mga sabihin na natin ang mga magaganda at artistahin na mga babae, iyon talaga ang magagasto at hindi talaga sila papatol sa lalakeng butas ang bulsa.

3. Kapag ikaw ay naiinis. Ang mga lalake hindi masyado nag papakita ng emosyon, pero meron din mga araw na ikaw ay nagagalit o naiinis sa partner mo. At kapag kailangan mo na ng pag intindi niya, sasabihin lang ng babae na nag oovereact ka lang. Nakakainis kasi kapag ang mga babae ay galit kailangan ng mga lalake maging sensitive pero pag ang lalaki naman parang wala sila pakialam at minsang sinasabihan pa na O.A. ka lang.

4. Hindi kumikibo pag galit ang babae. Isa ito sa pinaka nakakainis talaga, may mga araw na OK ang mood ni partner the next day mag susungit at kapag tinanong mo kung ano ang problema lalong nagagalit at ayaw mag salita, kung iwanan naman lalo mag dadabog. Ano ba yan! ano ba gagawin ng mga boys sa ganyang sitwasyon?!

5. Sobrang madaldal. Alam natin na natural lang na mdaldal o tsismosa ang mga babae, pero minsan naman e zipper natin ang mga bibig na yan, lalo na pag may ginagawang importante ang mga lalake, limitahan ang kwentuhan at kung pwede sa palengke na lang kayo mag tsismisan.

6. Mahilig mag mura. Hindi naman siguro lahat ng kababaihan ganito, pero pansin ko pag nag kakaedad ang mga babae, grabe na mag mura lalo na sa mga anak nito. Isa ito sa ayaw talaga ng mga lalake at talaga namang nakakaturn off ang mga babaeng ganito.

7. Gusto controlin bawat galaw mo. Ito ang nangyayari usually pag bagong mag asawa pa lamang, ang mga babae pag gusto, gusto! wala ka nagagawa lalo na pag mahal mo. Kung mawala ka lang ng ilang oras, pag hihinalaan na nambababae at dyan nag mumula ang mas malalang away, ang pagiging walang tiwala sa isa't isa

8. Istorbo. Ang mga men minsan talaga mahilig mapag isa, o kaya naman manood ng TV ng walang istorbo. Pero ang mga chickas ay minsan biglang iistorbohin ka at makikipag daldalan. Ikaw naman men hindi ka makikinig sa kanya dahil nanonood ka ng TV, pero mabwibwisit ka.

Huwag istorbohin ang mga men lalo na pag nanonood ng NBA finals, mas maganda kung suportahan mo na lang siya sa pag cheer ng favorite team niya.

9. Selosa. Normal lang ito sa mag partner, pero pag somobra ang pag seselos hindi na nagiging maganda tulad ng pag seselos sa barkada o sa nanay. Ang mga girls ay possesive sa kanilang partner at kapag nag sungit na si girl wala nagagawa si boy.

10. Ginagamit ang sex para controlin ang lalake. Isa ito sa weakness ng mga lalake, kapag may gusto o demand ang mga babae at hindi natin sinunod, hindi ka pwede makasiping mamayang gabi. Ang sex ay malakas na sandata para ma kontrol ang mga lalake


Ilan lang ito sa mga ayaw ng mga lalake at alam ko meron pa at marami pa. Sa mga babae, hindi naman lahat ganito sila.




No comments:

Post a Comment