Paano malalaman kung gusto ka ng babae


Mga boys alam ko may mga crushes kayo, at gusto niyo siya ligawan pero hindi mo naman alam.

Gusto mo malaman kung gusto ka ng isang babae. At madami kang tanong, kasi hindi mo alam iniisip ng mga babae, lalo na yung magaganda.

Parati mo na siyang pinagpapantasyahan gabi gabi, at talagang gusto mo na siyang ligawan.

Minsan nag essmile siya sayo pero hindi mo alam kung ano ibig sabihin nun, baka lagyan mo lang ng malisya. Naghihintay ka na balang araw magiging akin ka rin.

Pero paano ngaba malalaman kung gusto ka ng isang babae? Ito ang mga suggestions ko.

Makipag daldalan sa kanya


Ang move na ito ay talaga namang makakatulong para huliin ang kiliti ni girl. Sila kasi ay mahilig makipag usap, at gusto nila na parati sila pinapansin. Kapalan mo lang ang iyong mukha at maging confident sa sarili. Makinig ka sa kanya at pansinin mo ang tono ng boses niya, kung nahihiya siya malumanay at mahina boses niya at mapapansin mo parang nilalaro niya ang kanyang buhok, kung interesado siya sa iyo, tatawa siya kahit sa pinaka baduy mong jokes at dyan ang hudyak na naka 1 points ka. Huwag hayaan na mawala siya sa iyo at ipag patuloy mo lang ang momentum.

Ito pa, pag interesado siya sa iyo, maeexcite siya kapag nakikita ka. Pero hindi lahat ng girl ay pare pareho, meron din talaga masusungit kahit anong lambing wala talaga.

Pansinin mo kung nag lalambing siya sa iyo.


Mahirap malaman kung nag fliflirt o nag lalambing na siya sa iyo. Ang mga girls kasi mahilig lumambing sa mga guys na talaga namang close nila at minsan nalalagyan pa natin ito ng malisya. Pero pansinin mo aking mahal na reader, ang lambing niya sa mga guys na friends lang niya at sa iyo. Kung feeling mo parang medjo may pag nanasa ang lambing niya sa iyo, huwag muna gamitan ng manyak move, calma lang, pero huwag ka na mag flirt sa ibang girls. Basta huwag na mag flirt sa ibang girls kung gusto mo talaga siya, sa flirting kasi una pinaparamdam ng babae na gusto ka niya, at kung mag flirt ka sa iba, mawawalan siya ng gana sa iyo at iisipin na chickboy ka.

Minsan o parati bang nag krukruss ang inyong mga landas?


Napapansin mo ba minsan kapag nasa mall ka or kahit saan, nakikita mo siya ng hindi sinasadya? Kung meron man, marahil gusto niya maging in touch sa iyo. Kapag tanungin mo '"ano ginagawa mo dito?" gagawa iyan ng palusot hindi lang mahalata nararamdaman niya sa iyo. Magandang sign iyan, ang gawin mo ay ganito " busy ka ba?" kapag sasabihin niya na " hindi" yayain mo kumain o kaya tumambay, para mag kakilala na kayo ng lubusan

Pansinin mo pano ka niya tingnan


Meron mga time na tinitingnan ka niya ng matagal minsan hindi naman, huwag mag alala, kung hindi ka man niya minsan matingnan, nahihiya lang yan at marahil gusto ka parin niya.


Pansisnin mo ang kanyang mga barkada


Kapag mag kasama kayo at nakita kayo ng barkada ni girl at tapos, kinikilig sila at tinutukso tukso kayo, na kayo na, magandang sign yan. Kasi baka na open niya sa barkada na type ka niya at huwag lang magpahalata na kinikilig ka rin, smile lang, at sabihin mo na friends lang kami pero especial siya sa akin



Ang mga tips na ito ay hindi masyadong accurate pero, e try niyo lang wala naman mawawala, basta sincere ka lang. At huwag abusohin ang pag gusto niya sa iyo, respeto isa sa pinakamahalaga para maging maganda ang inyong samahan. Kung hindi mo man type ang nag paparamdam sa iyo, huwag mo siyang itaboy na parang Aso. Ang maganda pasalamatan mo siya, kahit papano may nag kakacrush din pala sa iyo.


7 comments: