Kasabihang Bakla

Laught trip muna tayo mga kapilyo. Ang mga bakla ay natural na masayahin at mahilig sa mga comedy. Dito sa Pilipinas hindi na mabilang ang dami ng mga bakla, hindi man sila nag aanak, mabilis pa rin sila mag parami.

Isa sa nakakatuwang katangian nila ay ang kanilang pag papatawa na medyo naughty. Sa mga comedy bars ay mostly joyfuls ang mga comedian doon, Isa sa mga sikat ngayon ay sina, Vice Ganda, at Pooh, at parehu sila bading.



At ito ang iilan sa mga Kasabihang Bakla na nakakatuwa.

Lalake man’ sa paningin, Bakla pa din sa Salamin! “

“Machete sa Umaga, Sa gabi’y sha si Mariposa “ 

“Ang tunay na lalake ay matimbang sa gwapong binabae.”

“Anong laban ng baranggay, sa plakado mong kilay? “

” Ang mga baklang abuso, retokado buong pagkatao. “ 

“Walang Mahabang Espada sa Lalakeng Botomesa. “

“Mamimili ka pa ba kung palad mo or sakit niya?”

” Sa dami ng alahas, kung makapag funda’y wagas! “

” Trip ng Mga Bakla. Trip din daw ng Mga Tripper. “

” Walang lalakeng tigasin, sa alaga niyang bigatin “

” Tinimbang ka ngunit pa- gurl “

” Ang lalakeng maskulada, pag gabi’y long herada. “

” Walang matinong jowa sa mga malanding palaka “

” Sa haba haba ng prusisyon, sa Malate pa din ang buong pederasyon! “

” Walang pinsan pinsan, sa baklang tulisan! “

” Maiksi man ang kumot, Marunong pa ding mangkulot.. “

” Lalake sa gym, May balak na malagim! “

” Walang malagkit lagkit sa lalakeng hitik! “

” Ang baklang masipag, pag laki’y laspag.”

” Aanhin pa ang pa-men. kung ang suot ay panting bulaklaken.”

” Wag mong sabihing discrete. kung kumilos naman ay petite! “

” Mga choosyng bakla, hindi pinagpapala. “

” Ang mga baklang hipon, sa gym nagtitipon tipon. “

” Baklang mataba, kung tumuwad plakda. “

” Ang mga bakla sa simbahan, nakaluhod hanggang uwian!”

” Wag mong gawin sa kanya kung ayaw mong gawin sayo. Top ka hindi versa.”

” Walang matinong usapan sa naglalambutang chikahan! “

” Baklang tumakbo ng matulin, kumekendeng pa din! “

” Walang himala, sa baklang hawig isda. “

” Ang Baklang Pangit, Sa edit kumakapit “

” Ganda mo sa larawan, sa ADOBE isinilang “

” Aanhin pa ang FB, kung primary ay beking beki “

” Maputi nga ang SKIN, kung MUKHA ang susuriin..PANGET PADIN!!”

” Walang kayang bumirada! sa tatlo niyang kadera! “

” Ang baklang nagmamalinis, malansa ang kaliskis! “

“Bakla, Bakla, paano ka lumala?? “

” Hindi ka ba nauumay, sa matilampik niyang kamay? “

” Ang hindi marunong magmahal sa kapwa palaka ay mas higit pa sa echuserang ulikba.”

” Ang hindi lumingon sa kalalakihan ay hindi makakasungkit sa dinadaanan”

” Walang Matigas na lalake, sa maperang binabae!”

” Kapag binato ka ng tinapay, ahitan mo sa kilay”

” Wag mo paikutin ang libog, sa babaeng may itlog!”

“Bruskong kay TIKAS! Nasa Foundation ang LAKAS!”

“Ang lalakeng matindig! Pusong Mamon Ang Pag ibig!”

“Madaming baklang tirik, sa lalakeng hinog at hitik!”

“Ang mga baklang mahilig mag pasaring, ang sarap sarap ilibing!”

“Ayon sa Baklang batas, wag na wag kang huhulas!”

“Aanhin mo ang modelo, kung naging jowa na ni Piolo?”

“Ang Hari ng Katapangan, andun sa Ms. Gay Lumalaban!”

“Huwag kang mag aangas sa baklang may balbas, Sila yung mga tipong Manampal ay Wagas!”


Huwag niyo ito i click! 

Ito rin at ito rin!


"Meron din Kasabihan ng mga Pinoy"

Ang buhay ay parang bato, it's hard.

* Better late than pregnant.

* Behind the clouds are the other clouds.

* It's better to cheat than to repeat!

* Do unto others... then run!!!

* Kapag puno na ang salop, kumuha na ng ibang salop.

* Magbiro ka na sa lasing, magbiro ka na sa bagong gising, 'wag lang sa lasing na bagong gising.

* When all else fails, follow instructions.

* To err is human, to errs is humans.

* Ang taong nagigipit...sa bumbay kumakapit

* Pag may usok...may nag-iihaw

* Ang taong naglalakad nang matulin... may utang.

* No guts, no glory... no ID, no entry.

* Birds of the same feather that pray together...stay together.

* Kapag may sinuksok at walang madukot, may nandukot.

* Ang taong di marunong lumingon sa kanyang pinanggalingan .... ay may stiff neck.

* Birds of the same feather make a good feather duster.

* Kapag may tiyaga, may nilaga. Kapag may taga, may tahi.

* Huli man daw at magaling, undertime pa rin.

* Ang naglalakad ng matulin, late na sa appointment

* Matalino man ang matsing, matsing pa rin.

* Better late than later....

* Aanhin ang palasyo kung ang nakatira ay kuwago, mabuti pa ang bahay kubo, sa paligid ligid ay puno ng linga.

* Kapag maikli ang kumot, tumangkad ka na!

* No man is an island because time is gold. (Huh?)

* Hindi lahat ng kumikinang ay ginto.. muta lang yan.

* Kapag ang puno mabunga...mataba ang lupa!

* When it rains...it floods (especially in Manila )

* Pagkahaba haba man ng prusisyon .. mauubusan din ng kandila.

* Ang buhay ay parang gulong, minsan nasa ibabaw, minsan nasa vulcanizing shop.

* Batu-bato sa langit, ang tamaan... sapul...BUKOL!

* Try and try until you succeed... or else try another.

* Ako ang nagsaing... iba ang kumain. Diet ako eh.

* Kapag maiksi na ang kumot, bumili ka na ng bago.

* If you can't beat them, shoot them. (Nalundasan)

* An apple a day is too expensive. An apple a day makes seven apples a week. (Really expensive!) 

* Walang Matinong Lalaki Sa Malanding Kumare.

* Hindi Bale Ng Tamad, Hindi Naman Pagod.

* Walang Matigas Na Tinapay Sa Taong Gutom.

* Huwag Magbilang Ng Manok Kung Ang Alaga Mo Ay Itik.

* Ang Hindi Marunong Magmahal Sa Sariling Wika, Lumaki Sa Ibang Bansa.

* Ang sakit ng kalingkingan, kailangan ng alaxan.

* Ang batang masipag, paglaki...pagod.

* Wag gawin ngayon...ang kayang gawin bukas!

* Kung kaya ng iba...ipagawa mo sa kanila.

* Aanhin mo pa ang damo, kabayo ka ba?

* Ang batang masipag, paglaki katulong.

* Aanhin mo pa ang damo kung patay na ang ADIK!

* Di bale nang mangupit,,hindi naman magigipit..!!

* ang tumatakbo ng matulin,,SNATCHER!^^

* habang maikli pa ang kumot,,kokonti pa ang surot!^^

* Bawal umihi dito, kapag walang nakatingin.


MAKABAGONG KASABIHAN NG MGA BAKLA

 aanhin mo pa ang guwapo kung mas malandi pa sa iyo!

walang matigas na binata sa bibig ng baklita

walang matinong lalaki, sa malanding kumpare

kapag may isinuksok, may ipuputok

wala nang hihigit pa sa malansang isda, kundi ang isang balahurang bakla!

sa hinaba haba ng prusisyon, bading din pala ang iyong karelasyon

ang tumatakbo ng matulin, may guwapong hahabulin

matalino man ang bading, napeperahan pa rin!


No comments:

Post a Comment