Paano Maging Isang Tunay na Binibini


Nandoon kayo sa isang gathering, sabihin na natin sosyal ang event na iyon, nakaporma lahat, naka gown, lahat nasa ayos ang mga pustura at biglang may pumasok na isang babae. Nakakabighani siya, ang kanyang lakad, itsura, amoy, ang dating niya ay nakaagaw pansin, lahat ay namangha sa alindog niya.
Bakit kaya meron ganitong mga babae? eh magaganda naman sila lahat sa okasyon na iyon. Iyon ay dahil sa kanyang pagiging isang tunay na "lady" or "binibini" maapeal, disente, elegante mga katangian na gustong gusto ng mga lalake.

Kaya meron ako dito mga tips kung paano maging isang babae na magugustuhan ng lahat ng lalake at kaiinggitan ng mga babae.

Ang isang lady ay ang epitome ng pagkababae. Siya ay maganda, nakakakuha ng attention kahit hindi na mag effort, at nakakakuha ng respeto kahit hindi na magsalita.

Siya ang tipo na gusto maging ng mga babae at gusto makasama ng mga lalake. Ang isang tulad niya ay alam kung ano ang mga gusto niya ng walang pag aalinlangan.

Alam niya na malakas siya at independent, pero pinapahalagan pa rin niya ang role ng mga lalake pag andyan sila.

Ugali ng isang Binibini

Marahil naisip niyo na ang isang Binibini ay maarte, maganda parati ang damit, spoiled at demanding, na para bang prinsesa. Pero sa totoo hindi ganyan yan.

Ang isang tunay na binibini ay iyong may karisma, na kapag kasama mo siya na fefeel mo na mahal ka din niya at nererespeto ka. Siya ay madali makasundo at magaling makipag halo bilo sa ibang tao at pinakikinggan ang kanyang mga salita at nererespeto ito.

Pero kahit isang malakas na babae ang mga binibini, sila naman iyong nag bibigay lakas, pride at inspirasyon sa mga lalake. Sila ang rason kung bakit nagagawa ng mga lalake ang kahit anong bagay, iyon ay dahil sa pag aaruga at pag mamahal ng isang tunay na binibini. 

Sa madaling salita sila ang mga babae na may "breeding". Ito ang mga tips para maging isang tunay na binibini.

1. Elegante at Graceful. Dapat matutunan mo ang pagiging mahinhin at elegante, kahit nasaan ka pa, nasa bahay man o nasa labas. Hindi ka dapat tatanga tanga o makakabasag ng pinggan o kaya naman mahuhulog sa upuan. Ang isang tunay na binibini ay mahinhin at hindi aanga-anga.

2. Iparamdam mo sa partner mo na isa siyang tunay na lalake. Ang mga lalake gustong gusto na mafeel nila sila ang nag proprotekta sa isang relasyon. Wala sila pakialam kong sino man may control sa inyong dalawa, ang mahalaga nafefeel lang niya na sila ang meron control nito. Tulad iyan sa mga fairy tales, ang lalake ang Knight na tatalo sa dragon at ang mga binibini naman ang prinsesa na dapat e rescue ng magiting na Knight.

Ganyan ang pag iisip ng mga lalake, gusto nila ang mga ganun. Bigyan sila ng attention at respetuhin ang kaninilang pagiging lalake. Kung uutusan mo ng gawaing bahay, huwag yung pang girly girl na chores, dapat iyong pang lalake tulad ng pag aayos ng bakod o kaya naman pag papanday, .

3. Hindi dapat Maingay. Walang may gusto sa maingay, lalo na pag babae ito. Nakakairita na, nakakabwiset pa. Ang isang tunay na binibini ay marunong mag control sa tono ng kanyang boses. Mag salita ng hindi nakakasira ng ear drums, tapos kung titili ka naman, mag timing ka, tumili ka lang kung excited ka or kung nakita niyo ako, hehehe joke lang. Ang mga tunay na binibini kasi ay cute tingnan pag tumitili, huwag lang parati kasi masakit sa tenga.

4. Huwag mag magmura at maging bayolente. Ito talaga ang pinaka iwasan Dapat! Huwag mag mura at mag pakita ng pag ka bayolente. Huwag tumulad sa nanay ko na araw araw nag mumura kasi hindi iyan makakatulong sa pag katao mo. Bumababa ang tingin sa iyo ng ibang tao pag nakikitaan ka ng ganyang mga ugali. 

Ang tunay na binibini ay hindi kailanman gagamit ng mga masasakit at masasamang salita dahil isa siyang elegante at respetadong babae.

5. Flirting. Ang isang binibini ay natural at nag eenjoy sa pag flirt sa mga men, siya ay masaya kasama kaya di maiwasan ang ganito, pero huwag ito gawin kapag nandyan ang partner mo, baka mauwi iyan sa away. Ang pag flirt hindi lang naman yan sa physical pwede rin sa mga sweet talk, kung makita man kayo ng iyong papa na hunk, lapitan mo agad at yakapin mo, para malaman ng lahat na mag kasintahan kayo.

Ang lalake ay naiinsecure kapag nararamdaman nila na may potential maging cheater ang kanilang girlfriend. At dahil flirty and friendly ka, iintroduce mo ang iyong partner sa ibang mga lalake at ipag malaki mo ito, sa ganyang paraan mawawala ang kanyang inis sa iyo.

6. Huwag mag eskandalo sa publiko. Kung magagawan ng paraan, huwag gumawa ng parang nakakahiyang mga bagay. Kung galit ka sa iyong partner, gawin niyo ito na walang nakakaalam o nakakakita. Huwag habolin si mister habang nakikipag inuman, kasi malaki ang posibilidad ng pag rupok ng iyong samahan, at ang pag dedebate ng lasing at mainit ang ulo ay walang patutunguhan. 

7. Alamin ang nangyayari sa paligid mo. Ang isang tunay na binibini ay hindi lang maganda at puro pag papaganda lang ang alam. Siya rin ay matalino at alam ang nangyayari sa mundo, kung kaya mo, mag basa ka ng newspaper or magazines, para alam mo ang latest. 

Ang isang binibini ay matalino, hinihingian siya ng payo ng mga kaibigan sa iba't mga bagay at prati siyang handa tumulong.

8. Elegante at Charming sa harap ng ibang tao. Ang isang binibini ay paborito kasama ng kahit sinong tao. Kung gusto mo magustuhan ka nila, kailangan mo matuto makipag usap sa iba't ibang tao. 

Kung may party sa bahay ninyo dapat galante ka iparamdam mo sa guest mo na nasa bahay lang sila. Kung nakikijoin ka naman sa party ng iba, makipag interact sa mga tao na nandoon. 
Kung may nakikilala ka pa lang at biglang naging comportable sa iyo, iyon ay dahil magaling ka sa pakilihalo bilo at importante iyan sa isang tunay na binibini

9. Gumamit ng magagalang na salita. Ang manners ay ang pinaka importante sa lahat kung gusto mo maging isang tunay na binibini. Kung may hihingiin ka, magsabi ng "please" at siguradin mag "thank you" kapag tinulungan ka.

10. Huwag maging malambot. Porke't Binibini at mahinhin ka mag lalambot lambotan kana. Kailangan ipakita mo na malakas ka, at matalino. Kahit tinutulungan ko ng iyong papa na hunk, dapat hindi mo ipakita na inutil at wala kang alam gawin, kasi baka balang araw mainis iyan at ma disappoint sa iyo.

Tandaan na ang isang binibini ay humihingi ng tulong sa mga lalake, pero huwag ipakita na tamad at wala kang kayang gawin. At dahil humingi ka ng tulong sa iyong papa na hunk, mas nafefeel nila ang pagiging macho at nararamdaman nila, na sila ang may control sa relationship.

Mga bagay na dapat iwasan kahit isa ka nang tunay na binibini
Kahit naka pasa ka na sa pagiging binibini, meron pa rin mga bagay na dapat iwasan para hindi ka makasakit ng ibang tao.

1. At dahil tunay ka na na binibini, kaya mo na ang lahat. Pero huwag iparamdam sa iyong papa na hunk na inutil siya, kasi nakakasakit iyon sa kanyang damdamin at sa kanyang pagiging lalake

2. Huwag maging Ms. Know it all, kung may opinion ang ibang tao, dapat erespeto mo ito at huwag babarahin porket mas matalino ka sa kanila.

3. Porket isang confident young lady kana, aapihin mo na ang mga babaeng walang breeding. Huwag mo sana gawin iyon. Importante pa rin ang respeto sa lahat, huwag e down ang mga babae na sa tingin mo ay mababa ang uri. At dahil mas matalino at mas may breeding ka, ikaw dapat ang unang nakakaintindi sa ibang tao.

1 comment:

  1. Gusto mo ba ng online work?
    Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
    Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
    Contact Number: 09465046302
    For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

    ReplyDelete