Sampung bagay na kinaiinisan ng mga babae sa kanilang partner



Mga kapilyo, alam niyo tuwing merong girl bonding ang ating mga partner, minsan nauuwi ito sa boys talk. At alam niyo rin ba na ang dami nilang reklamo tungkol sa atin. Totoo talaga ang kasabihan na ' Men are from Mars, Women are from Venus', men are exact opposites ng mga girls.

Nag research na naman ako... scientist na ata ako, hehehe, tungkol sa sampung bagay na pinaka ayaw ng mga babae sa lalake. Sampu lang kasi pag nilahat ko baka umabot sa 100, tamad pa naman ako mag type.


Hala, ito basahin niyo mga Pilyo kong male readers.

1. Maka sarili. Ang mga men daw ay paminsan nagiging selfish, eh kasi naman sabi nga nila its a mans world kaya ganoon na lang, mahilig tayo mag hari harian at hindi na tayo sensitive sa ating partner.

2. Hindi makasundo ang pamilya ni girl. Ito normal to sa pamilyang Pinoy, usually talaga hindi natin makasundo ang ating future family in law, kaya ang nangyayari away ng away tayo kay partner.

3. Tamad mag hugas ng pinggan. Parang ako ata pintatamaan nito, hehe. Anyway, totoo naman talaga ang mga lalake tamad mag hugas ng pinggan. Minsan nauuwi tuloy sa away dahil lang sa simpleng bagay na ito.

4. Lakas ng volume kapag nanonood ng Sports. Minsan manhid tayo, lalo na pag nanonood ng sports, tulad ng bokseng o kaya basketball, sigaw tayo ng sigaw sa pambato natin para manalo at ang lakas pa ng bolyom, hindi natin alam umuusok na pala tenga ni misis.

5. Tamad sa gawaing bahay. Ang lalake ay nag tratrabaho, at si babae ang nasa bahay, ganyan ang pinoy culture. Pero kahit minsan man lamang tulungan natin si partner, huwag natin gawing maid.

6. Ang babae daw ay pang kama lamang. Kapag nalalasing si boy, yumayabang ito, at parati pinag yayabang sa mga barkada na hindi siya under the saya. At ang mga babae daw ay pang kama lamang, which is nakaka offend sa mga babae. Respeto naman mga men, huwag ilagay ang pag ka macho sa maling paraan.

7. Kapag umaalis si girl ang galing ni boy sa gawaing bahay, pero pag bumabalik parang baby na gusto parati alagaan. Ganyan din ako minsan, pag wala talaga tao sa bahay ang sipag sa pag lilinis, siguro dahil bored lang o kaya nag papaimpress, pero pag bumalik na, balik din sa pagiging tamad, hehe

8. A. D. I. D. A. S. Ang meaning niyan ay 'All day I dream about sex'. Ang mga boys talaga natural ang pagiging pilyo, parating gyera sa kama ang gusto. Pero pag si misis naman mangalabit  minsan ang sungit pa sa intsik.

9. Sobrang Buhok sa katawan. Natural lang sa lalake ang mabuhok pero kung mukha ka nang caveman, god dammit mag ahit ka naman. Tapos na ang stone age mga pare.

10. Ang yabang. Mayabang talaga ang mga boys, kasi isa yan sa mga technique na ginagamit sa pang liligaw sa mga girls, pero pag nasosobrahan naman, nagiging O.A. na, Ok sana kung iyang pinag yayabang mo ay ginagawa mo, ang problema baka puro hangin lang laman niyan.


No comments:

Post a Comment