Paano ba mag celebrate ng Valentines Day


hoy cupido lasing ka na naman pinana mo sarili mo

Hay naku February 14 na naman at wala pa rin akong kadate, sinumpa ata ako sa araw na ito, sana  makatulong ang blog na ito upang maging isa akong chickboy, hehehe.

Araw ng mga puso, at sigurado ako puno na nman mga hotel, motel, park o kung saan pwede kayong makapag labing labing ng iyong mga partner. Ang lamig pa naman ng panahon saktong sakto para mag painit kasama si partner.

Para sa isang katulad ko na walang partner, advice ko, mag alak ka na lang o kaya naman mag hanap ka ng makakapartner kahit isang gabi lang, pero ugaliing magdala ng magic capote upang maiwasan ang bata sa kalye. O kaya wag na lang, mag dota ka na lang.

Para sa mga mag sing irog na hindi alam panu e celebrate ang araw na ito, my suggestion ako. Kung kulang ka lalake sa budget wag ka na lang mag basa ng suggestion ko, hehe.

1. Pumunta sa restaurant. Yes pumunta kayo, mag pareserve kayo sa mga sosyal na mga restaurant, once a year lang ito mga pare, wag muna mag kuripot ngayon. Kung kulang sa budget pwd sa bahay, mag luto ka ng masarap. Kung hindi marunong mag luto mag order sa labas, at kunwari ikaw nag luto wag ka pahahalata, e empress mo si darleng.

2. Gumawa ng Valentines card. Baduy man sa panahon ngayon pero, guys pag gumawa ka ng card at may message na mula sa iyong puso, plus points yan para sa mga girlaloo. Ang mga simpleng bagay tulad ng pag gawa ng card ay hindi kailanman malalaos, promise :-).

3. Something sweet. Lumang style pero ganun talaga, chocolates ay hilig ng mga chicks. Something sweet plus Roses are perfect combination, magdala ka ng 3 roses, lagyan ng tag na 'I' 'Love' 'You', tiyak ang ngiti ni partner ay hanggang tenga, ewan ko lang sa mga diabetic o kaya may allergy sa bulaklak. To make sure, tanunging mo. Para sure na sasaya siya ibigay mo credit card mo at sure din ako ubos agad laman niyan, hahaha!.

4. Gawa ka ng poem. Gawa ka ng poem, kung di marunong gawa ka ng kanta, kung di rin marunong. Wag na lang.

5. Sa mga single. Hindi kayo nag iisa, pwede pa rin mag celebrate kahit walang partner. From step 1 to 4 gawin mo lahat sa sarili mo, try lang.

Suggestion ko na naman to.

Punta ka restaurant. Malay mo meron ka mahanap doon.
Gumwa ka ng Valentines card at ebenta mo tiyak kikita ka pa oh ha!
Bili ka chocolate, ebenta mo rin, pwede rin kainin mo na lang sayang kasi
Kung wala ka talent sa step 4 manood ka na lang ng TV lilipas din araw na ito.

No comments:

Post a Comment