Bakit gusto ng mga babae ang may edad na lalake

Sugar daddy ang tawag o kaya naman Dirty old man, ganyan ang tawag sa mga lalake na pumapatol sa mga mas batang babae.
Bakit gusto ng mga babae ang may edad na lalake
Sa karamihan ito daw ay makasalanan o kaya naman kadiri, syempre halos tatay o lolo mo na pumapatol ka pa. 

Pero kahit na madami ang kontra dito nagiging uso na rin ito sa panahong ito at lalo pa dumarami ang ganitong mga relasyon.

Marahil nag tataka ang karamihan kung bakit pumapatol ang babae na mga edad 20 sa mga lalake na umaabot na ng 30, 40, 60 minsan 80 (ex. hugh hefner), para sa iba may benefit ang ganitong relasyon sa mga hindi masyado malayo ang agwat na edad.

Ito mga listahan ko na reasons kung bakit nag kakagusto ang isang batang babae sa lalake.

Maturity.

Ang mga babae kasi mas madali mag mature ang isip kaysa sa mga kaedad na lalake, ang nangyayari nag hahanap sila ng mas mature na partner, para naman mas mag kaintindihan. Hindi mag kakasundo ang mag partner na pareho 20 years old, sa edad na iyan ang mga lalake ay hindi pa gaano ka handa sa isang serious na relationship, kung mag hanap ang babae ng mga 30 na, mas mag kakaintindihan kasi pareho na nila gusto ng commitment.

Stability.

Most older men at almost age 30 ay nakaranas na ng success sa buhay at nakaka attract ito sa mga babae, gusto nila iyong kaya ibigay ang halos lahat, magandang buhay, pera, travels at kung ano ano pa. At sa edad na iyan meron na spending power ang mga men unlike noong bata pa, na puro inum at sa dota lang na uubos ang pera, nawawalan na ng pang date.

Confidence. 

Ang mga gentlemen at confident na mga men ay talaga namang nakaka aatract sa mga girls, kasi mukhang meron na direksyon ang kanilang buhay. Kapag confident kasi ang lalake feeling ng babae secure siya at safe o kaya siyang alagaan ni boy.

Attitude

Older men ay mas magalang, wise at magaling mag trato ng babae kaysa sa mga nakababatang mga men, real gentlemen na sila. At ang mga girls gusto yung parang mentor figure iyong parang kaya mag bigay ng advice at in control sa buhay.

Clean living

Alam naman natin most boys pag bata pa ma bisyo, inum, droga, sugal, babae at kung ano pa na kalokohan, hindi man lahat pero at least pag nag kakaedad halos tinatanggal mo na lahat ng mga iyan.

Romantic

Older men ay mas romantic, at isa iyan sa gusto ng mga girls, pinapamper, inaalagaan, thoughful, real gentlemen na talaga.

At para naman sa mga relasyon na sobra na ang agwat ng edad, tulad ng 18 years old papatol sa 80 years old, isa lang rason diyan PERA.

Ito ang reason kung bakit
  • Hindi na tatayo iyang kargada ni lolo, kahit mag viagra pa iyan baka atakihin lang sa puso 
  • Ready na mamatay, kapag madedz automatic sa asawa mapupunta ang yaman 
  • Hindi na kaya mambabae ni lolo, hirap na nga mag lakad mang chichix pa 
  • May control ka sa partner mong lolo, kahit ano ipabili mo bibilhin iyan, kahit alam niya na pera lang ang habol hindi iyan mag dalawang isip na ibigay ang lahat sa babae kasi nga ikaw na lang nag papaligaya sa kanya 
  • Higit sa lahat pera lang talaga, kung may love man... nakakakilabot pa rin isipin 

No comments:

Post a Comment