Bakit namba babae ang mga lalake



Halos lahat ng mga men ay alam na ang pangangaliwa ay bad, at alam din natin na makakasakit ito sa ating parter kapag malaman nila. Kahit masama ang epekto nito sa isang relasyon, meron pa rin  gumagawa nito. Iyong iba sinisisi ang pagiging lalake, kasi ang lalake daw dapat nang chichix, culture na daw kasi, ang iba sawa na sa partner.


Kahit ano pang palusot iyan, nag cheat ka pa rin. Kaya ito ang 10 sa mga rason kung bakit nangangaliwa si lalake.

1. Dahil mayroon silang pag pipilian. Ang mga lalake madali talaga matukso, kung meron man mag offer ng sex sa kanila, agad nila itong susung gaban, at mahirap tanggihan.

2. Nakakapag palakas ng ego. Minsan ang mga lalake may feeling na hindi sila attractive kasi nga isa lang partner nila. At kapag nang chichix sila nagiging sikat na naman sa barkada, at nag papa bost ng ego at angas.

3. Parehu hindi nag mature mga ulo ninyo. May mga mag partner na parati away ng away, kahit wala basehan away parin. Dahil yan sa level ng maturity ninyo, hindi nag papantay ang mga isip ninyo. Having a long term relationship means na dapat you will grow together, hindi lang iyong isa, dapat dalawa kayo.

4. Parating nag aaway. Ang mga lalake ay napipilitan mag cheat kahit ayaw niya, kapag parati na lang may away. Ayaw talaga ng mga lalake ang mga bungangera, they are a big turn off, iyong bibig na parang machine gun sa kasisigaw. Kahit gaano pa ka inlove si boy, pag ganyan si girl, I am sure iiwan din iyan.

5. Nawala ang pag mamahal. Minsan mahirap kumalas sa isang relasyon, lalo na pag alam mo na meron kayo anak o kaya naman umaasa ka sa partner sa pang gastos. At ang tanging paraan na naiisip sa pag kalas ng relasyon ay ang pang chichix.

6. Ang iyong sex life ay boring at walang kabuhay buhay. Kapag ang lalake na bored sa partner dahil walang kwenta kasex, malaki ang tsansa na mangaliwa ito. Dahil hinahanap hanap niya ang excitement ng sex. Kung ayaw ninyo mangaliwa si lalake, put a little spice naman sa romansa. Remember, mag ulam ka man ng fried chicken araw araw may time talaga na mag sasawa ka.

7. Para mag higante. Kapag nahuli na nanlalalake si babae, malaki ang pag chance na mag cheat din ang lalake.

8. Nag sawa lang talaga. Ganyan talaga pag boring ang pag sasama, minsan kahit walang away, mag hihiwalay at mangangaliwa na lang dahil sobrang boring ang relationship nila.

9. Nag testing kung makakalusot. Ang ibang kalalakihan ay mag checheat, tintingnan lang nila kung makakalusot sila, pero ngayon ang hirap na makalusot ang dami ng CCTV at mga spy, so mga men kung gusto niyo man chix, beware.

10. Cheater na siya noon pa man. Dahil hinayaan mo siya na man chix noon pa man, malaki pa rin ang chance na uulitin niya ito.


Sampu pa lang ito, at ang mga rason kung bakit nag checheat ang lalake ay meron pa malalim na dahilan. Babala ko sa mga chickboy, mag ingat kayo sa karma.

No comments:

Post a Comment