Iba't ibang klase ng Girlfriend



Mga girlfriends, sila ang ating mga partner mga pilyong men. Kahit gawin tayong shoperon, o kaya gawing financier ng load OK lang sa atin, kasi ganyan tayong mga men, we love women. At ang mga babae naman talaga ay iba- iba at ang hirap tanchahin ang pag iisip.

Dahil sa pagiging complicated ng mind ng mind GF natin ginawa ko ang 5 types of Girlfriends. Mula ito sa libro ni Robert Wick’s book,Bounce: Living the Resilient Life, and Susan Shapiro Barash’s book,Toxic Friends: The Antidote for Women Stuck in Complicated Friendships.


1. The Cheerleader

Sila iyong tipo na maniniwala sa iyo kahit anong kapalpakan pa ang iyong nagawa. Sila din ang mga girlfriend na parati nasa iyong likuran kong kailangan mo ng kakampi. Nandiyan din sila kung down ka. Sila talaga ang mag checheer sa iyo no matter what happens.

2. The Confidant

Nakapanood na ba kayo ng movie na kapag ang bida nakipag hiwalay sa ex gf, tapos bigla may susulpot at biglang dadamayan ka sa iyong drama? Sila ang mga Confidant, at malaking tulong sila sa mga men na very stressful ang lifestyle.

3. The Prophet

Ang mga partner na ganito ay nakakainis. Sila ang tipo na parang gusto mo na sakalin, dahil pinalalaki ang maliit na issue, kahit walang gulo, gagawa talaga ng gulo. Very sharp ang kanilang pag iisip, malakas din ang pang amoy, halos nararamdaman nila kapag nangangaliwa si boy. Pranka din sila, at medyo authoritarian sa kanilang mga nagiging BF, kung napansin nila na bad ang iyong environment or circle of friends, sasabihin talaga nila na iwan mo sila. Siya rin ang tipo na parating buntot ng buntot sa iyo araw araw.

4. The Comedian

Mga chicks na may sense of humor, parati kang pinapatawa, at talaga namang masayahin siya. Kahit mala byernes santo man mukha mo, kaya ka pa rin pangingitiin. Sila rin ay masarap kasama, ginagawa extra ordinary ang ordinary na araw.

5. The Leader

Ang mga chicks na ganito ay ang tipo na gusto ka niya ipasali sa mga book club, civic association, o kaya school committee. Siya rin ay namimilit na pasalihin ka sa marathon, mag organize ng event, mag coach ng isang team kahit hindi mo gusto. Kilala siya sa lipunan at willing ka ipakilala sa mga mayayaman at maimpluwensiyang mga tao. Maganda siya maging GF if you are planning to be a business man kasi nga malawak at malaki ang kanyang connection. Pero kailangan mo makipag sabayan sa kanya, siya kasi ang type na hindi basta basta napapagod

Ang girlfriend mo saan ba siya nabibilang sa lima?

No comments:

Post a Comment