Epekto ng Pagiging In Love


Aloha! naughty readers welcome to another edition of pilyong husband, at sa araw na ito tatalakayin natin ang mga magandang epekto ng pagiging in lab. Marahil naranasan na ito ng karamihan at meron simtomas ito tulad ng wala gana kumain, para bang sira tiyan mo, o kaya naman tinutuboan ng pimples.

Ang pagiging in love ay meron mga physical at emotional changes sa tao na hindi natin namamalayan. Kaya nandito si Uncle Pilyo para e share ang mga ito.

Epekto ng Pagiging In LoveHindi ka makatinging sa crush mo

Ito ang isa sa pinaka unang simtomas ng pagiging inlababo. Hindi mo matingnan crush mo, kung susubukan mo naman e eye to eye parang nahihiya ka, nag blublush ka pa. Ayon sa mga expert, hindi mo daw madadaya ang mga mata kung may gusto kang tao. Ang mga pupil mo kasi para nag iiba na parang tuwang tuwa kapag tinitingnan mo ang iyong sinisinta.

Kabog ng damdamin

Nag apply kana ba ng trabaho at nainterview? Kung oo man siguro may nararamdaman ka sa iyong dibdib na parang kaba na di mo maexplain. Ang ganyang stress sa ating katawan ay tulad din ng pagiging in love kabado ka kapag nandyan si "dream partner".

Nakakapag pabata

Ang mga in love ay blooming at masayahin kaya naman bumabata sila. Factor din nito ang regular na sex at torrid kissing. Ayon sa mga dalubhasa ang tao na nakikipag gerra kama apat na beses sa isang linggo ay mas babata tingnan at ang regular na kissing scene kay partner ay nakapapa bata lalo na sa mga babae, kasi ang saliva ng lalaki ay may content ng testosterone na importante para ganahan si babae sa sex, aphrodisiac din ito.

Ayon sa pag aaral ng "English Longitudinal Study of Ageing" mas importante daw para sa kababaihan ang pagiging in a relationship o in love kaysa sa mga lalaki. Kasi nakakamit nila ang kanilang mga pangangailangan sa kanilang partner, unlike sa lalake, ok lang sa kanila ang walang girlfriend kahit sa mahabang panahon.

Nakapag papaganda ng pag iisip at pangangatawan

Ang love ay makapang yarihan dahil kung inspired ka halos lahat ng bagay kaya gawin mo. Maliban sa pagiging inspired mo, nakakatulong din ang love para mapalayo ka sa mga suicide attempts at depression.

Hindi lang psychology ang epekto nito, maganda rin sa puso ang pag ibig. Ayon sa University of Rochester sa New York ang mga taong in love ay tatlong beses mas malaki ang chance mag survive sa isang heart surgery kaysa sa wala. Isa pang benefits ay ang pag babago ng lifestyle, ang mga lalaking mahal na mahal ng kanilang girlfriend ay mas malaki ang tsansa na mag quit sa paninigarilyo at pag inum ng sobra.

Read more

Rason Kung Bakit Ayaw Sumiping ni Mister kay Misis

Summer is near! kailangan na mag papapayat mga Kapilyo para sa mga beach outings! Kasi sigurado ako na marami na naman ang mga chikas at hunks na mag susuot ng kanilang beachwear at hindi dapat tayo pahuhuli mga giliw kong tagasuporta, mag papatubo din ako ng abs.

 Rason Kung Bakit Ayaw Sumiping ni Mister kay Misis

Anyway, ngayong araw ang topic natin ngayon ay ang rason kung bakit ayaw sumiping ni mister kay misis. Hindi ito marahil common sa inyo pero totoo talaga na meron mga lalake na ayaw makipag romansa sa kanilang partner.

Bakit ayaw makipag romansa ni mister kay misis?

Ang ganitong topic ay kakaiba, kasi ang mga babae kaya ng sexless marriage kahit ilang taon, pero sa mga lalake halos imposible ito, kasi sila nga ang agresibo sa dalawa at alam naman natin na ang mga lalake ay natural na pilyo.

Ito ang mga posibleng dahilan kung bakit ayaw na niya tikman ang flower mo.

#1. Depressed

Ang mga lalake kapag depressed ay walang gana sa halos lahat ng bagay tulad ng romansa. Kung siya ay natanggal sa trabaho o kaya may problema sa pera, expect na lang na di talaga tatayo ang flag ceremony.

Purchase:
The Depression Cure: The 6-Step Program to Beat Depression without Drugs

Isa ding dahilan ng depression ay kung may tinitira siyang droga, hindi shabu, iyong ginagamit para sa sakit na drugs. Ang mga lalaking regular ang medication ay bumababa ang pag nanasa sa kanyang asawa, kung mag romansa man kayo, hindi ka niya mapapaligaya at kung hindi ka happy parang nababawasan ng pag kalalaki ang lalake.

Kaya girls kung love niyo si boy, at kung halata mo na depress siya at nag guerra kayo sa kaman, e fake mo na lang, huwag ka na maka dag dag sa dinadala niya.

#2. Hindi na siya naakit kay misis

Kapag matagal na kayo nag sasama ni misis, malaki ang chance na siya ay tumaba. Ang kanyang itsura ay nakaka apekto sa pag nanasa ng kalalakihan. Sa mga babae importante talaga na alagaan ninyo mga sarili niyo, porke't nanay ka na magiging burara ka na sa katawan. Kung magiging pabaya ka sa sarili expect mo na lang aabot din ang araw na wala na mag didilig sa bulaklak mo.

Also read:
Tips pampagana romansa

Ang physical appearance ay talaga namang importante kung gusto ninyo ma maintain ang masiglang sex life. Kung ikaw mister may matabang misis, e motivate mo siya na mag papayat at huwag parusahan gamit ang hindi pag siping sa kanya. Mag tulungan kayo, kung mataba din si mister eh mag jogging at mag diet kayo together, may bonding na, papayat pa, oh ha!.

#3. Namamangka sa dalawang ilog

At kapag nagiging pabaya sa sarili si misis ang resulta niyan ay ang pag hahanap ng iba ni mister. Ito ang topic na parati na lang topic, mga mister na hindi kuntento sa isa. Kung mahilig ka manood ng face to face sa TV5 makikita mo ang daming mister ang may kabit. At kung titingnan niyo rin mga asawa nila, mukha ng mga balyena, iyong isa pa daw may amoy sa P****. Hay naku, madali talaga mag sawa ang mga lalake.

Also read:
Bakit nambabae ang mga lalake

Anyway, kung kagandahan ka pa rin at ayaw niyang makipag romansa sa iyo aking pilyang mambabasa, malaki ang pag asa na galing pa lang siya sa babae niya, pagod at gusto ng matulog agad. Ang mga ganitong problema ay nasosolbar naman sa pamamagitan ng marriage counselor.

#4. Marahil bakla siya!

Mga Rustom diyan makakarelate kayo dito! Ang mga lalake normal lang makipag siping sa kanya partner pag katapos ng honeymoon at sa early stage ng kanilang marriage. Pero habang nag tatagal meron mga lalake na ang hanap pala ay lalake!

Also read:
Paano nagiging bakla ang isang lalake

Hindi man ito bulgar pero marami ang mga sitwasyon na ganito. Ang mga babae malakas ang pang amoy niyan, kapag pansin niya ayaw sumiping si mister dalawa lang nasa isip nila, may babae si mister o kaya sumapi na sa federasyon ng mga magsasaka sa gabi.

Marahil meron kayo kilala na ganito, bading at may asawa at anak. Ako marami kilala na ganito, siguro ang rason kung bakit hindi sila nakikipag hiwalay ay ang takot na hindi sila tanggapin sa lipunan. Sa mga may identity crisis dyan, siguraduhin ninyo na hindi ka member ng fuchsia platoon bago mag asawa, para wala pag sisisi sa bandang huli.

#5. May karamdamang hindi sinasabi

Kung masigla guerra romansa ninyong mag asawa at sa isang araw humina ito, mag duda ka, baka meron dinaramdam ang iyong partner at kailangan e pacheck up mo ito.

Sa kasamaang palad ang mga sakit tulad ng, cancer, heart disease, strokes ay factor kung bakit hindi na tumatayo ang boy scout sa flag ceremony. Ang Diabetes ay isa ring salot sa pakikipag romansa, kung hindi ito agad maagapan.

Isa ding factor ang blood pressure. Dahil dito, ang mga lalake ay mahihirapan utusan sandata niya na mag salute at nakaka cause ng mga psychological problems na sanhi ng kawalang gana mag romansa. Kaya naman dapat maagapan ang ganitong problema kung ayaw niyo mawalan ng bedtime warfare.

#6. Unhealthy eating at sobrang taba

Kapag ang lalake ay tumataba, ang kanyang male hormones ay bumababa at nag tatake over female hormones niya. Dahil dito nawawala na pag ka pilyo ni mister. May mga lalake pa na kaya mag perform pero nahihirapan na ito, at kapag parati siyang nahihirapan, may pag asa na tatamarin na ito makipag chuva kay misis.

Purchase:
Eat to Lose, Eat to Win: Your Grab-n-Go Action Plan for a Slimmer, Healthier You

Ang sobrang katabaan ay nakaka pag lower ng self motivation sa mga lalake at nag cacause ng depression. Ang mga lalake na unhealthy ay hindi confident makipag romansa sa kanya partner. Nahihiya din sila sa sarili nila kasi kung titingin ka sa baba, hindi mo na makita ang iyong birdie at naiinis sila kasi, tatatak sa sarili nila na maliit ang kanyang naked weapon.

Mga babaeng may sexless marriage

Sa mga babaeng nakararanas na ganito, hindi ka nag iisa. Marami ang mayroon ganitong mga sitwasyon, mga time na gustong gusto mo mag "get down" pero parang byernes santo si manoy. Ang sex ay importante sa mag partner, at kung nag uumpisa na ito tumamlay dapat ayusin agad bago pa lumala.

Also read:
Sanhi ng pag hina ni manoy

At siguro oras na para mag voice out ang kababaihan na kailangan niyo rin ng "quality sex", e demand sa mga pare na kailangan galingan nila ang performance. Hindi lang iyong basta makaraos si boy, dapat may intimacy, para solve si babae. Sabi nga ng mga babae, ang lalake ay parang posporo mabilis mag liyab mabilis din mawalan ng apoy.

Read more